Kabayan Noli De Castro
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page


Speeches



TRADE AND COMMERCE

12th National Printers Convention, September 21, 2005


the officers and members of THE PRINTING INDUSTRIES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES OR piap;

Ladies and gentlemen, good morning:

I would like to extend my warmest congratulations to the PIAP on the holding of your 12th National Printers Convention.

this is INDEED a good time for you in the private sector and for us in government to look at the present state and future directions of the printing industry.

Pamumuno ng PIAP

Ako ay natutuwa sa ipinamalas na pamumuno ng PIAP sa printing industry. Sa loob ng mahigit apat na dekada, naipakita ninyo ang inyong walang-pagod na pagsusulong sa kaunlaran ng inyong industriya, ng mga allied industries, at ng buong bayan.

Masuwerte kayo sa pagkakaroon ng mga masisigasig na lider at masisipag na miyembro ng PIAP, na palaging nakikipag-ugnayan sa gobyerno para sa ikabubuti ng lahat SA INYONG INDUSTRIA.

At ang gobyerno ay tumatanaw din sa inyong mga naitutulong SA PAGPAPALAGANAP NG PAMBANSANG EKONOMIYA. Kaya naman noong nakaraang Hunyo pa lamang, naitakda na sa bisa ng Presidential Proclamation No. 870 ang buong linggo ng September 19 TO 25 bilang “Printing Industry Week” IN RECOGNITION OF THE SIGNIFICANT ROLE OF THE PRINTING INDUSTRY IN THE RECORDING, PROCESSING AND DISSEMINATING OF KNOWLEDGE AND INFORMATION.

Pagharap sa Kompetisyon

Ngayon ay muli na naman tayong nagtitipon upang pag-usapan ang magiging direksiyon ng printing industry sa mga darating pang panahon.

Talagang angkop sa ating kasalukuyang sitwasyon ang inyong tema sa convention na ito: “overcoming the challenge of a competitive business.”

Unang-una, tama ang inyong pananaw sa kompetisyon bilang isang pagsubok na dapat harapin. Malaki na ang ipinagbago ng ating ekonomiya at ng ekonomiya ng buong mundo sa loob ng mga nakaraang dekada.

Noon, ang labanan ay kung paano mapo-proteksiyunan ang mga industriya. Pagalingan mag-lobby sa gobyerno. Pataasan ng taripa. Kalimitan meron pang mga quantitative restrictions.

Ngayon, nalipat na ang labanan sa agawan ng market share. Pagalingan ng produkto. Pababaan ng presyo. Pabilisan ng pagdeliver. Kung kaya mong gumawa ng pinakamaganda at pinakamurang produkto sa pinakamabilis na paraan, malaki ang lamang mo. Ganyan ang kompetisyon.

Ikalawa, angkop rin ang inyong napiling tugon sa pagsubok ng kompetisyon. Tama kayo: “the only way to deal with a competitive business . . . is to compete well.” And this is a challenge that the printing industry must learn to overcome.

Malaki ang aking paniniwala na may kakayahan ang ating printing industry na makipag-kompetensiya sa pinakamagagaling na printers sa buong mundo. May kakulangan man tayo sa kagamitan, o naiiwan man ng konti sa teknolohiya, hindi naman matatawaran ang sipag, tiyaga, at talino ng mga Pilipino sa larangan ng printing.

Gayunpaman, mahigpit ang kompetisyon. Bukod sa sipag, tiyaga, at talino, kAILANGAN din natin ng makina, teknolohiya, at merkado.

Sinusuportahan ko ang inyong mga ginagawang pag-aaral sa mga bagong trends sa printing technology at ang pag-upgrade ng inyong mga printing equipment. Gayundin ang pagpapalakas ng inyong market presence, lalo na sa ibang bansa, at ang pagpapasikat sa mga Philippine brands.

kAILANGAN natin ang mga ito upang higit tayong maging epektibo sa kumpetisyon.

Closing

Mga kaibigan sa PIAP, marahil ay marami pang mangyayari sa business environment na di natin kayang mahulaan. Subali’t palagay ko ay may isang bagay na hindi natin maiiwasan --- at ito ay ang patuloy na pagtindi ng kompetisyon --- LALO NA SA GLOBAL MARKET.

AKO AY NAGAGALAK, DAHIL SA INYONG INITIATIVE, ay gumagalaw na ang printing industrY patungo sa landas ng kompetisyon. I WOULD LIKE TO SEE THE INDUSTRY GETTING A SECURE NICHE IN THE GLOBAL PRINTING MARKET SOONEST. Sa panig ng gobyerno, asahan ninyo ang aming patuloy na suporta at maigting na pakikipag-ugnayan sa inyo. AKO MISMO, KASAMA NG PANGUNAHING AHENSIYA MANDATED TO ASSIST YOU --- TULAD NG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY --- AY NAKAHANDANG TUMULONG PARA MAISULONG ANG INYONG MGA PROPOSALS, LALO NA KUNG ANG MGA ITO AY MAKAPAGBIGAY SUPORTA SA LALONG PAGLAGO NG PRINTING AND ITS ALLIED INDUSTRIES. THIS IS A CONCRETE RECOGNITION OF YOUR IMPORTANT ROLE IN NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT.

Sama-sama nating harapin ang bukas. sama-sama tayong makibaka sa pandaigdigang merkado. At sama-sama rin tayong magtagumpay. SA PAGKAKAISA LAMANG NATIN MAKAKAMIT ANG STABILITY, VIBRANCY AND COMPETITIVENESS NG PRINTING INDUSTRY.

Maraming salamat po AT MULI MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT.


home   |   Speeches main page   |   back-to-top