Kabayan Noli De Castro
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page


Speeches



SOCIAL SERVICES

3rd Anniversary Celebration of the Philippine Drug Enforcement Agency, July 28, 2005


I am happy to be with you today as we celebrate the third anniversary of the Philippine drug enforcement agency.

The PDEA has indeed gone a long way in combating the drug menace in the Philippines. From a concept that was articulated by law, PDEA today has transformed into the primary law enforcement agency responsible for the ebbing tide of illegal drugs in the Philippines.

Today we take time to honor PDEA personnel who have distinguished themselves in the performance of their duties.

We also recognize our partner organizations and agencies who toiled with us and helped us plant the seeds of a drug-free Philippines. They are the new heroes of the drug wars.

And to sustain our momentum, we will also inaugurate today the Philippine Maritime Drug Enforcement Coordinating Center. Its job: To cut the movement of illegal drugs through our seas.

But more than just another arm of government, this new center is also a tribute to the strong support of the United States government in our campaign against illegal drugs. The drug problem has truly become an international concern and we are grateful that the United States has extended its arm in partnership with us.

ANG SALOT NG ILEGAL NA DROGA

Mga kasama ko sa PDEA, ang illegal na droga na marahil ang isa sa pinakamantinding salot sa buhay ng tao.

Tulad ng bomba, ito ay pumapatay sa mga batang walang kalaban-laban. Tulad ng sakit, pinahihina nito ang katawan at isip ng kanyang biktima. Tulad ng sugal, inaagaw nito ang kabuhayan ng mga pamily. At tulad ng kahirapan, kinikitil nito ang pag-asa.

Kamkailan lamang, nabanggit ni presidente hamid karzai ng Afghanistan na mas matindi pa kaysa sa terorismo ang problema ng droga.

Nakakagulat ito, sapagka’t ayon sa mga pag-aaral, ang Afghanistan ay isa sa mga pangunahing supplier ng opium sa buong mundo. Marahil nagdadala ng pera ang illegal na droga sa kanilang ekonomiya—perang alam natin ay kailangan ng isang bansang umaahon mula sa digmaan at kahirapan.

Subali’t maliwanag din sa pahayag na ito na ang perang mula sa droga ay parang matamis na lason. Masrap sa bibig, pero lason pa rin. Sa kalaunan, igugupo rin nito ang lipunang kanyang pinagmulan.

Ngayon ay mayroon na ngang malakas na kampanya laban sa droga kahit sa mga bansang pinanggagalingan nito. At sa kampanyang ito, ang epektibong panlaban sa salot ng droga ay ang lakas ng batas.

TAGAPAGPATUPAD NG BATAS

Isa sa mga pangunahing tungkulin ng gobyerno ang pagpapatupad ng batas. Binibigyang-buhay ng gobyerno ang pagnanais ng mamamayan na magkaroon ng mga panuntunan na susundin ng lahat at para sa ikabubuti ng lahat. Mahirap man o mayaman, may kapangyarihan man o wala, opisyal man o ordinaryong mamamayan, walang kinikilingan ang batas.

Kayong mga taga-PDEA ang higit na nakakaalam nito. Itinatag ang PDE sa bisa ng isang batas, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. kabilang ako sa ilang mga senador na nagsulong ng maisabatas ang Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165). Masugid kong tinutukan ang batas na ito hanggang ako ay mapabilang na meyembro ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs na kung saan nakasama ko si Undersecretary Avenido sa pagsulong ng mga reporma sa mga alituntunin at patakaran sa pagpapatupad ng R.A. 9165.

Bilang Iplementing Arm ng Dangerous Drugs Board, Nasubok ang inyong tapang ng loob at tatag ng paninindigan sa pagsugpo sa mga sindikato ng droga.

Bagama’t maraming pagsubok ang inyong pinagdaanan, nagtagumpay kayong pilayin ang mga sindikato ng droga ditto sa Pilipinas. Naitaboy ninyo ang kanilang mga contacts sa ibang bansa. At nagawa ninyong habulin ang mga laboratoryo at imbakan ng mga ilegal na droga.

Ito marahil ang tinutukoy ni Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang State of the Nation Address nang sinabi niyang “The drug menace has been cut in half.”

Kaya naman para sa mga magigiting na opisyal at ahente ng PDEA, binabati ko kayo sa inyong mga accomplishments. Mabuhay ang PDEA!

PATULOY ANG LABAN

Mga kaibigan, hindi pa tapos ang ating trabaho. Hangga’t merong illegal na drogang ibinebenta sa ating mga kabataan, hangga’t merong pilipinong nalululong sa droga, hindi tayo dapat huminto sa pagsugpo nito.

Sa mga darating na araw, tatlong bagay ang sa aking palagay ay kailangang bigyang pansin.

Una, ipagpatuloy ninyo ang mga programang matagumpay nang naipatupad, tulad ng mga Supply Reduction Operations, ang agarang pagsira sa mga nakumpiskang illegal na droga, at ang mas pinaigting na international cooperation.

Huwag nating hayaang makahinga ang mga sindikato ng illegal na droga. Usigin ninyo ng walang mintis ang mga sindikatong ito at ang mga taong tumutulong sa kanila. Tayo naman ang magsabi sa kanila: Sinimulan nyo, Tatapusin ko!

Ikalawa, isulong natin ang isang kulturang hindi nakikipag-kompromiso sa ilegal na droga.

Ipaliwanag nating mabuti sa mga kabataan, lalo na yung mga maykaya sa buhay, na ang panandaliang tama ng droga ay kapalit ng habang-buhay na paka-alipin ditto.

Huwag nating pabayaan ang mga street-children ng suminghot ng rugby. Supilin natin sa simula pa lang ang anumang pag-abuso sa bawal na gamot.

Ang pagsulong ng kulturang galit sa droga ay nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng gobyerno at mga mamamayan. Ipatupad natin ang isang masinsinang Information and Education Campaign upang imulat ang mga kabataan sa kasamaang dulot ng ilegal na droga.

At ikatlo, panatilihin ninyong epektibo, masigasig, at malinis ang inyong hanay o ang inyong mga tao.

Pag-ibayuhin pa ninyo ang mga training programs at Value-enhancement Interventions.

Huwag kayong mawawalan ng focus sa inyong trabaho kahit na maraming ingay na nangyayari sa ating pulitika.

Pabayaan na ninyo ang pulitika sa mga pulitiko.

Mayroon kayong mahalagang tungkulin sa bayan. Sa inyo nakasalalay ang pagkakaroon ng isang Drug-Free Philippines sa 2010. mas matindi ang inyong hinaharap na digmaan laban sa droga sapagka’t nakasalalay ditto ang kinabukasan ng inyong mga pamilya at ng ating bansa.

KEEPING THE COURSE

My friends, let us continue the programs that have proven successful in the past, such as Supply Reduction Operations, immediate destruction of confiscated drugs, and intensified international cooperation.

Let us build a drug-free society through a culture that does not tolerate illegal drugs.

Let us continue to work with other countries, with allies like the United States, so that we can finally put an end to the era of illegal drug syndicates.

Never waver, my friends. Thanks to PDEA and to our partner organizations, our dream of a drug-free Philippines will soon be a reality.

Mabuhay ang PDEA! Mabuhay ang ating partner organizations! Mabuhay tayong lahat!

Maraming salamat po.


home   |   Speeches main page   |   back-to-top