Kabayan Noli De Castro
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page


Speeches



TOURISM, YOUTH CONCERNS, LOCAL GOVERNMENT

On the occasion of the inauguration of the Bagumbayan Sports Complex (Taguig, October 30, 2003)


"Bago ho ang lahat, bigyan niyo po ang inyong Kabayan ng pagkakataong magpasalamat sa inyong minamahal at kinagalang na Binata ng Taguig sa Kongreso, si Congressman Allan Peter Cayetano, sa kanyang imbitasyon at sa pagkakataong tayo ay magkasama-sama. Hayaan niyo rin na aking batiin ng maligayang kaarawan ang aking kaibigang si Congressman Allan,…. magpatuloy sana ang pagpapala sa iyo ng ating Maykapal.

Malapit po sa aking puso ang pamilya Cayetano dahil naging malapit kong kaibigan sa Senado ang namayapang Senador Renato “Compañero” Cayetano. Natutuwa akong makita sa kanyang mga anak ang kanyang mga katangian na pagiging mapagmahal sa bayan lalo na sa mga mahihirap, integridad at matibay na paninindigan, ……. at higit sa lahat kagisigan at kagandahan.

Datapwat namayapa na ang ating Compañero, naniniwala akong nananatili siya sa ating piling, gumagabay sa ating bayan, sa pamamagitan ng kaniyang iniwang mga anak.

“Kaya Comapanero, saan ka man naroon, alam kong malaki ang iyong pasasalamat sa Diyos sa pagbigay niya sa iyo ng isang magandang kabiyak, at dahil kay Misis, magaganda at gwapo ang iyong mga anak.” (Biro lamang po!)

Nandito din sa ating piling ang maganda at matalinong si Atty. Pia “Compañera” Cayetano. Sigurado akong si Pia ay magiting na papalit sa upuang binakante ng kaniyang ama sa Senado sa 2004.

Merong kasabihang na ang mga anak ang mas mabuting bersion ng kanilang mga magulang. Ngayon pa lang, ginagarantiya ko sa inyo na hihigitan ni Compañera ang kagalingan at kabutihan ni Compañero.

Malaking tulong para sa Taguig ang pagkakaroon ninyo ng isang pamilyang gaya ng mga Cayetano. Sa pamamagitan nila ay nakikilala ang inyong lugar hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa. At dahil malapit ang kanilang tahanan sa inyo, madali kayong nakakahingi ng pagdamay sa kanila. Tignan na lang natin ang magandang gymnasium na ito at ang dalawang basketball courts na proyekto ng inyong butihing Congressman Alan Peter Cayetano.

Maraming benepisyo ang dulot ng basketball court na ito. Makakatulong ang basketball courts na ito sa mga kabataan upang huwag silang malihis ng landas at upang makaiwas sila sa masasamang bisyo.

Kayong mga kabataan, mag-basketball na lamang kayo. Sa basketball, lalong lalakas ang inyong katawan at isipan, sa bisyo masasayang lamang ang inyong talino at kabataan.

Magagamit din ang mga basketball courts na ito ng mga nakatatanda o mga Senior Citizens na young-at-heart sa kanilang ballroom dancing, disco at mga pagdiriwang. Para naman sa ating mga “not-so-young-but-definitely-not-old” magagamit natin ang basketball courts sa ating mga pagpupulong at paminsan-minsang kasiyahan.

Kung kaya, magpasalamat tayo kay Congressman Allan Peter at sa kanyang nasirang ama para sa basketball court na ito at sa marami pang mga proyekto na kanilang binigay sa inyong bayan. At sa tulong ni Senador Pia “Compañera” Cayetano, mas lalong uunlad ang bayan ng Taguig.

Muli, Maraming Salamat po!

Mabuhay ang Taguig! Mabuhay Tayong Lahat!"


home   |   Speeches main page   |   back-to-top