|
ENVIRONMENTAL PROTECTION, CONSERVATION, AND SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Opening Ceremony, Bonsai Show 2003, San Ignacio Ruins, Intramuros, Manila 20 March 2003, 4:00 P.M.
"Friends and guest, I would like to extend my sincerest apology for not being with you on this very important opening of BMPI’s Second Bonsai Show. It would have been a good occasion for me to take time away from my official work in the Senate and relax while admiring the pristine beauty and elegance of the bonsai trees on display here today. However, as you may already know, I am presently indisposed and stuck to my bed. Nevertheless, rest assured that I am with you in spirit.
I am grateful to Mr. and Ms. Julius Babao (and Tintin Bersola) for giving some of their time to be with you in my place and to deliver my message. Thank you and God bless!
Honorable President Jun Obrero of the Bonsai Masters of the Philippines Incorporated and his esteemed officers and members, distinguished guests it is an honor to address you in today’s opening of the Second Bonsai Show.
I am honored by this invitation not only because we have here with us friends, who are fellow nature lovers, but more importantly because I have always been intrigued by the art of bonsai. Bonsai making, as you all know, is an age-old hobby that takes a lot of patience, creativity and exercise of scientific mind.
Narito tayo ngayong hapon upang bigyang parangal at pagkilala ang kagandahan ng bonsai.
Nakakatuwang pagmasdan na parami ng parami ang nahihilig sa bonsai. Alam ko na hindi madaling mag-alaga ng bonsai. Higit sa tubig at pataba sa lupa, kailangan ng bonsai ng mahabang pasyensya at sapat na pagmamahal. Ang produkto ng lahat ng ito ay isang maganda at malusog na miniature tree na parte ng kalikasan sa ating mga munting bakuran.
Alam nating lahat na ang pagkahilig sa bonsai ay nagmula sa ibang bansa, particular sa China at Japan. Ayon sa kasaysayan ng bonsai art, lumaganap ang bonsai, na noon ay tinatawag na “Penjing”, sa panahon ng Han Dynasty sa China noong 206 BC. Bgamat sa China nagmula, ang bansang Hapon ang nagperpekto sa pagpapalaki at pagalaga ng bonsai. Hanggang sa kasalukuyan, malaking parte sa kultura ng mga Hapon ang bonsai. Ito ay simbolo ng katiwasayan sa spirito at malinis na kalooban ng nagtatanim.
Dito sa Pilipinas, datapwa’t may pag-aaral na noon pa mang 15th Century ay meron ng bonsai dala ng mga Chinong mangangalakal, masasabi nating isa itong bagong libangan sa mga Pilipino. Hindi gaya ng ibang halaman, isang murang libangan ang pagalaga ng bonsai at malaking kasiyahan ang naidudulot nito sa bawat tahanan. Sa bonsai, nabibigyan ng pagkakataon ang tao na makiisa sa ating Diyos sa paglikha ng mga puno at halaman. Ang sabi nga nila, isang malaking tagumpay para sa isang tao ang gawin sa maikling panahon ang pagpapalaki ng puno na inaabot ng ilang dekada sa natural na paraan.
Sa Bonsai Show na ito, tayo’y mamamangha sa galing at kahusayan ng mga miyembro ng BMPI. Nakatutuwa ding makita na karamihan sa mga puno na inyong ginagamit sa bonsai ay mga likas sa ating bansa gaya ng Ficus, Kalyos, Philippine Tea, Bantigue, Lantana, at marami pang iba.
Ngunit higit sa lahat, ako ay natutuwa dahil sa taong ito, napili ninyo ang Bantay Bata Foundation at Intramuros Administration bilang mga beneficiaries ng inyong exhibit. Sa ganitong paraan, inyong binibigyang katuparan ang tema ng okasyong ito na “Bonsai…towards a meaningful existence.”
Sa tulong nating lahat, ang mga inabuso at inabandonang mga bata ng Bantay Bata Foundation ay lalaking masigla at malusog gaya ng inyong mga bonsai trees.
At bilang Chairman ng Senate Committee on Tourism, alam ko rin na malayo ang mararating ng inyong tulong sa Intramuros Administration, lalo na at napili ang Intramuros ng Department of Tourism bilang sentro ng Visit Philippines 2003.
Bago ako magtapos, pinapaabot ko ang aking pasasalamat sa mga organizers ng programang ito, sa inyong paganyaya sa akin. Asahan ninyong patuloy akong susuporta sa lahat ng mga makabuluhang programa ng Bonsai Masters of the Philippines Incorporated.
Maraming Salamat at Mabuhay kayong lahat!"
home | Speeches main page |
|