Kabayan Noli De Castro
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page


Speeches



TOURISM, YOUTH CONCERNS, LOCAL GOVERNMENT

Barangay Night, Municipality of Malasiqui, Pangasinan


Masantos a Labi Ed Si Cayon Amin, Ya Kabalen Ko Diyad Malasiqui.

Kagalang-galang na Mayor Alfonso Soriano at Vice Mayor Armando Domatay sampu ng inyong mga konsehales at barangay official, at mga minamahal kong Pangasinense sa bayan ng Malasiqui … Magandang Gabi…Bayan!

Nagpapasalamat ako sa pagkakataong makasama kayo sa gabing ito. Alam nyo mga kabayan, malapit sa puso ko ang Pangasinan dahil noong nakaraang eleksyon ay hindi ninyo ako pinabayaan. Sa kabuuang 920,000 voters, binigyan ninyo ako ng humigit 670,000 votes. Maraming salamat po!

Tinitingala ang Pangasinan sa buong Pilipinas lalo na sa amin sa Oriental Mindoro. Hindi lamang kayo maunlad at mayaman sa likas yaman, nakapag-ambag na rin kayo sa ating bayan ng ilan sa magigiting na lider gaya ng dating Pangulong Fidel Ramos, Speaker Jose de Venecia at dating Senador Leticia Shahani.

At dahil ngayomng gabi ay Barangay Night, ako ay nagbibigay pugay sa inyong lahat na mga opisyales ng barangay at nangangako na saan man ako mapunta ay itataguyod ko ang kapakanan ng ating mga barangay.

Bilang isang Senador, nakapag-sumite ang inyong lingkod ng ilang mga panukalang batas para sa ikaaayos n gating mga barangay.

Ilan sa aking mga bills ay ang Senate Bill No. 2276 na nagbibigay ng dagdag benepisyo at insentibo sa lahat ng mga barangay tanod, gaya ng mandatory Christmas bonus, insurance coverage, free legal services kung kayo ay nakasuhan sa pagpapatupad ng inyong katungkulan, at scholarship grants a inyong mga anak sa kolehiyo at unibersidad.

Upang mapabuti ang transaksyon sa barangay hall at maiwasan ang batikos at anomalya, akin ding nai-file ang Senate Bill No. 2029 na naglalayong gawing transparent ang lahat ng transaction na inyong pinapasok sa pamamagitan ng pagpo-post sa barangay hall ng lahat ng mga financial transactions ng barangay.

Ngunit hindi natatapos ang aking pagmamalasakit sa barangay sa Senado. Dadalhin natin ang laban ng barangay saan man tayo mapadpad sa Hunyo 2004.

Una ay pinapanukala ko ang pagtataas sa sweldo ng bawat barangay official. Panahon na upang gawing professional-level ang pasweldo sa barangay bilang pagkilala sa mahabang panahon ng kabayanihan ng mga barangay officials.

Pangalawa, minumungkahi ko ang dagdag na budget sa bawat barangay upang higit ninyong matugunan ang problema ng inyong komunidad.

Ipaglalaban ko din ang pagpapatayo ng maaayos at kumpletong elementary schools sa bawat barangay upang hindi na kailangan mag-biyahe ang ating mga anak na malayo upang makapagaral. Nabalitaan ko kasi na marami pa rin sa ating mga barangay ang walang elementarya. Ang ilan ay may eskuwelhan nga ngunit salat sa kagamitan, libro, at mahahalagang pasilidad. Problema na natin yan kahit noong mag-aaral pa ako sa aming bayan sa Pola, Oriental Mindoro. Hanggang ngayon, problema pa rin ito. Hindi dapat maging balakid ang kawalan ng sapat na pera ng gubyerno upang magkaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon ang ating mga anak.

Hindi na po ako magtatagal dahil lumalalim na ang gabi. Masaya po akong makadaupang palad kayong lahat. Nawa’y magpatuloy ang ating magandang pagsasamahan.

Balbaleg ya salamat ed sikayon amin! (Maraming salamat sa inyong lahat!)

Masantos a labi… Bal-lei!


home   |   Speeches main page   |   back-to-top