|
QUALITY EDUCATION AND JOB OPPORTUNITIES FOR ALL
Groundbreaking Ceremonies, PSHS Eastern Visayas Campus, Eastern Visayas Campus, Pawing, Palo, Leyte, 15 February 2003
Maupay nga aga, nga hinuguran na mga Leyteños. Ako ay malipayon na anhi ako ha I-yo dinhi yana nga adlaw.
(Magandang araw sa mga minamahal kong mga Leytenos. Ako ay nagagalak na kayo ay makasama sa araw na ito)
Mga kababayan, nalulugod ako na makita ang pagsasakatuparan ng ating proyekto dito sa Leyte mula sa ating Priority Development Assistance Fund (PDAF). Alam ho ninyo, ng aking mapagalaman mula sa inyong mabuting Congressman Ted Failon na matagal na panahon ng napabayaan ang planong pagpapagawa ng School Building na ito, hindi ako nagdalawang-isip na paglaanan ito ng pondo mula ng aking opisina sa Senado, dahil naniniwala ako na ang bawat kabataang Pilipino ay may karapatan sa mataas na antas ng edukasyon.
Sa mahabang panahon, concentrated ang mga Science High Schools sa Metro Manila o Metro Cebu. Ngunit hindi dapat ipagwalang-bahala ng gubyerno ang mga kabataan sa kanayunan. Kayong mga taga-Leyte ay nararapat lamang na magkaroon ng isang Science High School na magpapataas ng antas ng kalinangan at karunungan ng mga kabataang magaaral sa aspeto ng Agham, Mathematics, at Technolohiya.
Naalala ko noon sa Oriental Mindoro, kaming mga kabataang mahihirap, kahit may kakayahan, ay hindi nabigyan ng pagkakataong makapagaral sa institusyong gaya ng Science High School. Malayo ang Metro Manila at may kamahalan naman ang tuition sa mga pribadong paaralan. Gayun pa man, nagpursige kami sa aming pagaaral upang mapabuti ang aming kalagayan.
Sa pagbubukas ng Philippine Science High School-Eastern Visayas Campus Academic Building, ang inyong mga magaaral ay mabibigyan ng pagkakataong makapagaral sa specialized school. Nawa’y paghusayan ninyo ang paggamit dito at magsilbi sana itong simbolo ng pag-asa sa lahat ng mga kabataang Leyteños na patuloy na nangangarap ng magandang kinabukasan datapwat sila’y salat sa pinansiyal na aspeto.
Bago ako magtapos, binabati ko ang si Congressman Ted Failon, ang administrasyon ng PSHS-Eastern Visayas sa pangunguna ni Director Pedrito Padilla, at lahat kayong mga Leyteños sa pagsisimula ng katuparan ng matagal na ninyong pinapangarap na school building.
Sa tulong ni Ted, umasa kayo na habang ang inyong lingkod ay nabubuhay, patuloy akong susuporta sa mga proyekto na makapagpapabuti ng kalagayan ng mga taga-Leyte.
Dako ha salamat sa I-yo nga tanan! Mabuhay kamo!
home | Speeches main page |
|