Kabayan Noli De Castro
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page


Speeches



SOCIAL SERVICES and SPONSORSHIPS

Sponsorship: House Bill Nos. 1079 and 4889
Declaration of the Islands of Lahuy, Cotivas, Guinahuan, Luksuhin, Malibagan and Masag, off the Northeastern Coast of the Municipality of Caramoan and the Atulayan Island of the Municipality of Sagñay, Province of Camarines Sur as Tourist Zones


Ginoong Pangulo, sa rehiyon ng Asya, masasabing isa ang Pilipinas sa mga bansang masagana sa likas-yaman. Kinikilala tayo sa itinataglay nating magagandang tanawin at mayayabong na kabundukan at karagatan. Itinataguyod ng mga yamang ito ang ating turismo hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong mundo.

Sa kadahilanang ito, nararapat lamang na lalong pag-igtingin at paunlarin ng ating pamahalaan ang mga yamang ito upang mapalago ang ating industriya ng turismo. Importante ang turismo sa paglikha ng karagdagang foreign exchange, investments at revenues na sa kalauna’y lumilikha ng mga gawaing pang-ekonomiya at trabaho para sa ikauunlad ng bansa.

At sa pagsisikap nating mapaunlad ang industriya ng turismo, malugod na iminumungkahi ng inyong Komite ng Turismo, na pinamumunuan ng inyong lingkod, ang konsiderasyon at mabilis na pagpasa ng Committee Report Nos. 329 at 330, na naglalayong madeklara ang mga isla ng Lahuy, Cotivas, Guinahuan, Luksuhin, Malibagan at Masag sa Bayan ng Caramoan, at ang Isla ng Atulayan sa Bayan ng Sagñay, Lalawigan ng Camarines Sur, bilang tourist zones.

The islands of Lahuy, Cotivas, Guinahuan, Luksuhin, Malibagan and Masag off the northeastern coast of the Municipality of Caramoan, Province of Camarines Sur are abundant with white sand beaches, rock and coral reef formations, making them havens of varied and rich marine life. On the other hand, the lush mangrove swamps offer a habitat for marine wildlife.

Samantala, ang Isla ng Atulayan sa Bayan ng Sagñay ay naghahandog ng makakapal na gubat, coral reefs, mapuputing buhanging dalampasigan na kakikitaan ng kakaibang bato at kabibi.

Malaki ang potensyal ng mga lugar na ito sa larangan ng turismo. They are ideal for scuba diving, snorkeling, swimming, sports fishing, rock climbing and hiking. Sagana ang mga ito sa kagandahan ng kalikasan at yamang-dagat na tunay nating maipagmamalaki sa buong mundo. Dagdag pa dito ang mga kababayan nating naninirahan ditong may likas na kagandahang luob at siguradong tunay na may malugod na pagtanggap sa mga bisita at turista, mga katangiang likas sa ating mga Pilipino.

Nais ko ring ipagbigay-alam, Ginoong Pangulo, na ang mga lugar na ito’y dumaan na sa three-day occular inspection ng aking staff kasama ang Committee Secretariat at mga DOT officials. Malugod nilang ini-rerekomenda ang pagdedeklara nitong mga lugar na ito bilang tourist zones, sa pagsasa-alang-alang sa malaking potensyal nitong makalikha ng kinakailangang ikabubuhay at trabaho para sa mga taong naninirahan dito.

Once these areas are declared as tourist zones, the Department of Tourism (DOT) and Philippine Tourism Authority (PTA) shall formulate a tourism master plan in coordination with concerned agencies which shall include the planning of all economic sectors with tourism as the anchor for development.

Ang tourist zone ay mabibigyang priyoridad ng pamahalaan sa pag-uukol ng pangunahing imprastraktura at utilities kasama na ang capability-building programs para sa pamahalaang lokal at komunidad.

Ilang halimbawa ng mga naideklara nang tourist zones na nakikinabang sa mga nasabing benepisyo ay ang Callao Cave sa Bayan ng Peñablanca, Lalawigan ng Cagayan, sa ilalim ng RA 7357, at ang mga Bayan ng Boac, Buenavista at Torrijos, Marinduque sa ilalim ng RA 8022.

Mr. President, may I also manifest to include in this Committee Report No. 329, Senate Bill No. 1575, introduced by Senator Loren Legarda. This was referred to the Committee on Tourism last October 16, 2003, and this serves as the counterpart measure to House Bill No. 1079.

Muli, akin pong hinihingi sa ating mga kasama sa kamarang ito, ang mabilisang pagpasa ng Committee Report No. 329, with amendments, at ang Committee Report No. 330, without amendment.

Maraming salamat po.


home   |   Speeches main page   |   back-to-top