Kabayan Noli De Castro
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page


Speeches



TOURISM, YOUTH CONCERNS, LOCAL GOVERNMENT

Manila Lions Club, Awarding of Ten Outstanding Policemen of Manila
November 13, 2003, 8:00 pm, Coral Ballroom, Manila Pavilion Hotel, UN Avenue, Ermita, Manila


Salamat po sa inyong magandang pagpapakilala!

Noong una ko pong nabasa ang imbitasyon mula sa inyong organisasyon para sa okasyong ito, natuon ang aking atensyon sa huling bahagi ng sulat o sa tinatawag na “complimentary close” na nakasulat ang katagang: “Yours in LIONISM”. Sa aking pakiwari, ito ay isang paghihikayat na tayong lahat ay magpaka-hayop.

Seriously,…. It is but fitting and proper to emulate some of the good qualities of a lion. The lion is a figure of greatness not just in the jungle but throughout the history of mankind. It was adored by Egyptians in ancient times. It was given godly attributes by the Greeks and primitive tribes of Africa. Even the Most Holy Bible used the lion to represent the Supreme Being. For instance, the Book of Revelation, Chapter 5, Verse 5 states: “The Lord, the Lion of the tribe of Judah, has roared against Israel to take heed. When a lion roars, anyone within hearing distance should change the direction of his path, especially if the lion is very close!”

Ang leon ay isang dakilang hayop, matapang, palaban, mabagsik, at kinatatakutan. Sa kabilang banda, katangian din ng leon ang pagiging matalino, matiyaga, masipag at mapagmahal sa pamilya. Ang leon ay handang magbuwis ng buhay maipagtanggol lamang ang kapamilya at karangalan. At dahil sa mga katangiang ito, karapat-dapat lamang na tawagin itong, Hari ng Kagubatan.

Bago po tayo maligaw sa kagubatan hayaan muna ninyong batiin ko kayo ng isang MAGANDANG GABI, BAYAN!

Isang karangalan para sa inyong Kabayan ang makasama kayong lahat sa pagdiriwang ng Pearl Anniversary ng Manila Chinatown Lions Club at ang kaalinsabay na pagbibigay parangal sa kagitingan ng ating mga Manila Police Officers.

Mula ng maitatag ang inyong organisasyon tatlong dekada na ang nakararaan, malaki na ang naging kontribusyon ng Manila Chinatown Lions Club sa lungsod ng Maynila. Maraming mga kabataan natin ang inyong natulungang makapagaral sa pamamagitan ng inyong Manila Chinatown Scholarship Foundation, libo-libo na rin ang ating mga kababayang Manileños na nakinabang sa mga medical missions at iba pang socio-civic activities, at marami sa ating mga kababayan sa loob at labas ng Maynila ang nalalayo sa pinagbabawal na gamut sa tulong ng inyong patuloy na anti-drug campaign at Drug Abuse Awareness Seminars.

As you celebrate your Pearl Anniversary, you can proudly say that the past and present officers and members of this admired organization have toiled and served like true Lions, never tiring in your resolve to make a positive difference in the lives of your kababayans.

Mabuhay kayong lahat at magpatuloy sana ang inyong pagtulong sa ating bayan tungo sa mas magandang kinabukasan para sa ating lahat.

Sa pagdiriwang ng inyong anibersaryo, naa-angkop ang inyong sabay na pagbibigay parangal sa kagitingan ng ating kapulisan sa Maynila.

May ilang pagkakapareho ang mga katangian ng leon at ang pulis. Gaya ng haring leon sa kagubatan, ang ating mga pulis ang bantay ng bayan na nagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa ating mga lansangan. Gaya din ng leon, ang pulis ang simbolo ng awtoridad at batas sa bawat komunidad.

Ngayon na laganap nanaman ang krimen at kabi-kabila ang mga alegasyon ng katiwalian sa hanay ng kapulisan, nararapat lamang na kilalanin ang mga katangi-tangi at magigiting nating mga pulis na buong katapatan na nagsilbi at nagpatunay na handa silang magbuwis ng buhay sa pagtatanggol ng ating kapayapaan at kalayaan.

It is my sincere hope that this recognition will not start and end here tonight. May the plaque you receive tonight and the accolades that comes with it fuel your idealism and give you the drive to serve others above self in the true Spirit of Lionism.

Muli, binabati ko ang Manila Chinatown Lions Club sa pamumuno ni Engr. Elias Ang, sampu ng kanyang mga opisyales at mga miyembro sa inyong Pearl Anniversary. Gayundin ang aking pagpupugay sa sampung pinakamahusay na mga Police Officers ng Maynila taong ito. Mabuhay kayong lahat!

Maraming Salamat Po!


home   |   Speeches main page   |   back-to-top